PREPARADO ang Philippine College of Criminology na idepensa ang tatlong basketball dibisyon na kinopo nito sa unang season ng National Universities and Colleges Athletic Association (NUCAA).
Sa ginanap na managers and coaches meeting kahapon sa Aristocrat Malate kung saan ang agenda ay ang 2nd Season.ng NUCAA na sasambulat sa Setyembre, optimistikong ipinahayag ni PCCr athletic director Gene ‘Bang’ Tumapat na panatilihin sa kanilang kampo ang kampeonato sa elite men’s basketball,juniors division at women’s category.
“Intact ang mga bata at determinadong dominahin ang prestihiyosong NUCAA crowns para sa ating alma mater,” wika ni Tumapat na personal na pinangangasiwaan ang teams sa bawat game mula eliminations hanggang championships.” Hear and witness the Serpent Eagles fly and roar once more”
Dumalo sa naturang pulong si NUCAA chairman Atty.Carmelo L.Arcilla, Executive Director Leonardo B.Andres,Jr., official Loreto Tolentino- vice chairman, Board DirectorArlene Rodriguez, PCCr group ni Tumapat, Biboy Simon ng PCU Dolphins,kinatawan ng University of Makati, Richard Peñaranda ng San Pedro College of Business Administration at iba pang institusyon.
Naitakda ang opening games sa Setyembre 2,2023 sa Ynares Sports Center, Pasig City.
“Matagumpay nating nairaos ang unang season, now we are heading for the next season. Innovation and commitment ang susi ng tagumpay sa susunod na season ng ating NUCAA,” pahayag ni chairman Arcilla.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund