
May sitsit na tatlo sa players ng Brgy. Ginebra Gin Kings ang magreretiro na sa basketball. Ito ay batay sa source na batid na rin ng ibang sports enthusiasts. Ito ay may palantandaan na 47, 38 at 2.
Kabilang sa players na di na maglalaro ay si veteran guard Mark Caguioa. Katunayan, hindi na makakasalang sa 47th PBA Open Conference si ‘The Spark’.
May iniindang injury si Caguioa na nakaaapekto sa kanyang laro.
Gayundin si veteran forward Joe DeVance at guard Jared Dillinger. Ilan sa kinokonsiderang rason ng pagbabay na sa PBA ay ang edad, injury at personal na rason.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo