MASAYANG tinanggap ni Cong. John Rey Tiangco ang 290,135 face masks mula sa Department of Social Welfare and Development Usec. Rene Glen Paje. Nauna nang nakatanggap ang ng 4,000 masks nang bumisita ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team noong September. (JUVY LUCERO)
INIHAYAG ni Mayor Toby Tiangco na tatlong barangay na sa Navotas City ang COVID-free na matapos na zero active COVID cases ang maitala sa mga Barangay ng Bagumbayan North, Bagumbayan South at San Rafael Village.
Anim naman ang gumaling sa COVID sa lungsod kahapon, Oktubre 15, ngunit may nadagdag namang limang bagong kumpirmadong kaso.
“Natutuwa po tayo na pababa na ang bilang ng mga nahahawaan sa ating lungsod. Nagpapasalamat din tayo sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa ating kampanya laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga safety measures,” anang alkalde.
Gayunpaman, pinaalalahanan ni Tiangco ang nasaakupan na patuloy na mag-ingat dahil nariyan pa rin ang panganib ng nakamamatay na virus.
Samantala, pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang pagtanggap ng 290,135 face masks mula kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Rene Glen Paje bilang bahagi ng “LIbreng Masks Para sa Bayan” na programa ng DSWD.
May nauna nang 4,000 masks na ibinigay ang DSWD noong bumisita ang Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) team sa Navotas noong Setyembre.
Ang mga mask ay ipamamahagi sa mga mahihirap na pamilyang Navoteño.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA