
PLANO ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo muli bilang alkalde ng Davao City.
Ayon sa 79-anyos na si Digong, hindi niya na kayang mangampanya sa buong bansa para tumakbong senador.
Nitong kamakailan lang, napabilang ang pangalan ng dating Pangulo sa ‘Magic 12” ng mga mananalong senador sa mga nagsulputang survey.
“Do you think I can carry a national campaign at my age or you want me to die? Magco-collapse lang ako niyan,” ayon kay Duterte.
“I think at my age, mukhang hindi ko na kaya. Let us be realistic about it,” dagdag niya.
Pagbibigyan naman ng anak ng dating Pangulo na si Davao City Mayor Sebastian Duterte ang kahilingan ng kanyang ama at bagkus tatakbo na lamang siyang Vice Mayor.
More Stories
PBBM SA MGA BOTANTE: BUMOTO NG TAPAT AT MAY MALASAKIT
DOE NAKA-HIGH ALERT PARA SA HALALAN 2025 (Upang masiguro ang tuloy-tuloy na suplay ng kuryente
COMELEC: EU OBSERVERS PINAYAGANG PUMASOK SA PRESINTO, PERO BAWAL HABANG MAY BOTOHAN