Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang bagong proyekto para mapakinabangan ang ilang campaign materials na ginamit ng mga kumandidato noong national at local elections.
Pinangunahan ng Manila Department of Public Services ang proyektong “Tarpaulin ko, Ireresiklo ko.”
Layunin ng nasabing proyekto na mai-recycle ang mga nagamit na campaign materials na ikinabit sa iba’t ibang bahagi ng lungsod upang maiwasan ang pagdami ng basura.
Lahat na makokolekta o mahahakot na campaign materials ay didiretso sa City Material Recovery Facilities na matatagpuan naman sa Manila Zoo Ecological Botanical Garden.
Ang lahat ng naipong campaing materials ng ma pulitiko ay gagawing kapaki-pakinabang tulad ng eco bag, tissue holder, wallet at marami pang iba.
Ayon sa Manila-DPS, ang naturang proyekto ay pandagdag sa kita at kabuhayan ng ilang Manileño.
Nabatid na base sa pag-aaral ng Ecowaste Coalition, ang isang, single-used campaign materials tulad ng tarpaulins ay patuloy ang pagdami na nagiging basura kung saan mas lalo itong tumataas sa 30 hanggang 40% kada magsasagawa ng elekayon.
Ang mga nais mag-donate ng tarpaulin at maaaring makipag-ugnayan sa mga opisyal ng kanilang barangay o kaya tumawag sa opisina ng DPS sa numerong 5-3101261.
Matatandaang sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagbabaklas ng mga campaign material kung saan kinokolekta na nila ang mga tarpaulin para i-recycle.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY