DISMAYADO si Senator Imee Marcos kaugnay sa desisyon ng gobyerno na ibaba ang taripa sa imported na bigas sa 15 percent simula ngayong taon hanggang 2028.
“Paano na ang mga lokal na magsasaka?” tanong ng naturang senador.
Dahil sa mababang taripa ng imported na bigas, nagbabala si Imee kaugnay sa negatibong epekto sa lokal na mga magsasaka.
“Ayokong lagi niyo akong ginagawang kontrabida, pero hindi ko naman masisikmura ito! 15% na lang ang taripa ng imported na bigas, baboy at iba pa hanggang 2028???! Edi lalamunin ng mga imported ang palengke!”
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang bagong Comprehensive Tariff Program for 2024-2028 kasama na ang bigas.
Binatikos ng senador ang pinakahuling hakbang ng pagbabawas ng taripa ng gobyerno.
“Ano ito? Inuudyukan ba natin silang magpakamatay na lang? Di ko maintindihan! Makukuha pa ba ito ng dasal?”
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA