INANUNSIYO ng Manila Electric Company (Meralco) nitong Lunes ang kanilang bawas-singil sa presyo ng koryente ngayong Hulyo.
Kasunod ito ng inilabas na refund order ng Energy Regulatory Commission (ERC) na nagkakahalaga ng P21.8 bilyon, na hahatiin sa loob ng 12 buwan.
Ayon sa Meralco, babawasan ng P0.7067 kada kilowatt-hour (kWh).
Katumbas ito ng P141 na kaltas sa mga residential customer na kumokonsumo ng 200 kWh, habang P355 naman sa mga kumokonsumo ng 500 kWh.
Ang pagbabawas para sa buwan na ito ang naging dahilan para mabaliktad ang lahat ng pagtaas ng kuryente mula noong Enero.
More Stories
Higit P200K shabu, nasabat sa tulak na bebot
Kelot na armado ng baril, arestado sa Malabon
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd