November 2, 2024

TAPUSIN NATIN ANG PANDEMYA NGAYONG TAON – WHO CHIEF

Nanawagan ang pinuno ng World Health Organization (WHO) sa mga lider ng buong mundo na gumawa ng mabigat na desisyon para sugpuin ang COVID-19 pandemic sa 2022.

“2022 must be the year we end the pandemic,” giit ni WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Ayon pa sa pinuno ng health agency ng United Nations (UN), lahat ng mga tao sa mundo ay gusto nang makabalik sa normal na buhay at makapiling ang pamilya at mga kaibigan.

Pero bago makabalik sa normal, sinabi ng opisyal na kailangang protektahan natin ang ating sarili bunsod ng bagong COVID-19 Omicron variant na mabilis na kumakalat sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Bagamat hindi kasingbagsik ng Delta variant, mabilis namang makahawa ang Omicron at sinasabing tinatablan kahit ang mga taong fully vaccinated na.

Nanawagan naman si Tedros na ikansela ang mga event na nakalinya ngayong Kapaskuhan kaysa magsaya subalit kalaunan ay magdadalamhati naman.

“We have to focus now on ending this pandemic,” ayon sa WHO chief.