
Opisyal nang inanunsyo ni Sen. Manny Pacquiao ang kanyang retirement sa boxing. Siya ang bukod tanging eight-division boxing champion sa kasaysayan.
Sa edad na 42-anyos, lumaban siya ng kabuuang 72 fights. Kung saan, 62 rito ay panalo (39 ang KO’s) 8 losses at 2 draws. Sa kabuuan, 26 taon ang binubo niya sa boksing.
Mismong si Pacquiao ang nag-anunsiyo ng kanyang retirement sa kanyang social media page. Sa isang video na may habang 14 minutes at 20-seconds, doon ay nagpaalam na sa larangan ng boxing ang ‘Fighting Senator’.
“I just heard the final bell. Tapos na ang boxing. Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat,” aniya.
More Stories
Philippine Encùentro Championship MMA… PINOY WASHIT WINASIWAS SI MEXICAN SANCHEZ
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY