SINAGOT ng kampo ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga patama sa kanya ng katunggali nito sa pagkapangulo na si Sen. Manny Pacquiao.
Matatandaan na nitong mga nakaraang araw ay naglalabas ng pahayag si Pacquiao tungkol sa kandidato na “magnanakaw” at hindi dumadalo sa mga debate na tila patama kay Marcos.
Hiniling din nito sa Commission on Elections (COMELEC) na huwag bigyan ng ‘advance questions’ ang mga kandidato na lalahok sa kanilang mga debate.
“Debate pa lang natatakot na. Paano ‘pag nanalo ka na? Nakakatakot baka magnakaw naman,” ani Pacquiao.
Ayon naman kay Atty. Vic Rodriguez na tagapagsalita ni Marcos ay dapat intindihin na lamang ni Pacquiao ang sarili niyang kampanya.
Sinabi pa ni Rodriguez na binigyan na ng pagkakataon noon si Pacquiao sa senado upang ipakita ang husay niya sa debate ngunit bigo niya itong maipakita sa publiko.
“When one is applying for a job, he or she is expected to submit himself to an intensive interview and not to debate or be argumentative with the putative employer.” ani Rodriguez.
“Sen. Pacquiao’s sudden bravery is misplaced. He was given a full six years mandate to showcase his debating prowess but he was too shy to take up those challenges made by some intellectual giants in the Senate.” dagdag pa niya.
“While he should just be minding his own campaign, I thank him nonetheless for expressing interest on how we conduct ours,” sabi pa niya.
Wala pang tugon si Pacquiao sa banat sa kanya ni Rodriguez.
Matatandaan na nag viral noon sa social media ang ilan sa mga debate ni Pacquiao kasama na dito ang palitan nila ng mensahe ni Sen. Franklin Drilon
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY