SWAK sa kulungan ang dalawang tulak umano ng ilegal na droga kabilang ang isang barangay tanod matapos makuhanan ng shabu, damo at baril sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas ang naarestong barangay tanod na si Jeffrey Batallones, 29 ng Phase II Area I Brgy. NBBS, Dagat-dagatan at John Vincent Elisan, 36 ng Blk 7 Lot 47, kapwa kilala umanong drug pushers sa lugar.
Ayon kay Col. Balasabas, ang pagkakaaresto sa mga suspek ay resulta ng isinagawang surveillance operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P. Lt. Genere Sanchez matapos ang kanilang nakatanggap na mga reklamo mula sa mga concerned citizen hingil sa illegal activities ng mga suspek.
Naaresto ng mga operatiba ang mga suspek dakong alas-4 ng madaling araw sa kahabaan ng Phase 1B, Brgy. NBBS matapos bentahan ng mga suspek ng isang sachet ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P300 marked money.
Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang aabot sa 3.0 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P20,400, ang halaga 1.0 gramo ng pinatuyong dahon ng marijauan, buy-bust money at isang caliber .9mm pistol na may magazine at kargado ng pitong bala. Iprinisinta sa inquest proceedings sa Navotas City Prosecutor’s Office ang mga naarestong suspek sa kasong Comprehensive Dangerous Drug Act of 200 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA