November 17, 2024

Tambay dinampot sa pangmomolestiya sa dalaga at dalagita sa Malabon

REHAS na bakal naman ngayon ang hinihimas ng isang lalaking tambay makaraang paghihimasin ang puwet at dibdib ng 28-anyos na babaing e-trike driver at dalagita niyang pasahero sa Malabon City, kahapon ng madaling araw

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang naaresto suspek na si Rojine Pangyarihan, 34, walang trabaho, at residente ng M. Sioson St. Brgy. Dampalit.

Sa ginawang imbestigasyon ni P/SSgt. Mary June Belza ng Women and Children’s Protection Deskt (WCPD) ng Malabon police, ipinapasada ng dalagang biktima na itinago sa pangalang “Katrina” ang kanyan e-trike, sakay ang 15-anyos na dalagitang pasahero mula Brgy. Concepcion patungong Brgy. Dampalit nang sumakay ang suspek.

Pagsapit sa Merville St. sa Brgy. Dampalit dakong alas-12:30 ng madaling araw, bigla na lamang sumigaw ang dalagitang pasahero matapos na hipuin ang kanyang puwitan at murang dibdib, bago binalingan naman ang dalagang driver at siya naman ang hinipuan sa puwet sabay lamas sa kanya ding dibdib.

Nang matanaw ng biktima ang mga nagpapatrulyang barangay tanod ng Brgy. Dampalit na sina Joel Cruz at Allan Arnado ay agad niyang inihinto sa tapat ng mga ito ang e-trike saka isinumbong ang kahalayang ginawa sa kanila ng suspek na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya.

Sasampahan ng WCPD ng dalawang bilang na kasong Acts of Lasciviousness na ang isa ay may kaugnayan pa sa R.A. 7610 o ang Special Protection Against Child A