Hindi na mapipigilan ang tandem nina Senator Panfilo “Ping” Lacson at Senate President Vicente “Tito” Sotto III para sa 2022 polls.
“You can already read between the lines that the answer is yes,” saad ni Sotto sa isang eklusibong panayam sa The Source ng CNN Philippines nang tanungin kung anong plano nila sa darating na eleksyon.
Dagdag ni Sotto na sa Agosto 4 nila gagawin ang official announcement kaugnay sa kanilang plano.
Mayo pa lamang nang ibinunyag ni Sotto ang kanilang napag-usapan ni Lacson at ilang grupo kaugnay sa posibilidad na tumakbo bilang vice president sa susunod na taon.
Ani ni Sotto na siguradong susuportahan niya si Lacson kung tatargetin nito ang pinakamataas na posisyon sa bansa. Pero sa mga sandaling iyon, pinabulaanan ni Lacson ang usap-usapan patungkol sa posibleng pagtakbo sa pagka-presidente.
Nang tanungin kaugnay sa pare-elections survey – kung saan nanguna si Davao City Mayor Sara Duterte –naniniwala si Sotto na malayo-layo pa bago magdesisyon ang mga Filipino para sa kanilang magiging susunod na lider.
“Malayo pa eh ,” giit ni Sotto.
“The surveys that they are getting right now are not really reflective of what might happen on the 2nd Monday of May. So it really depends sa ating mga kababayan.”
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY