
MARIKINA CITY – Lalong umiinit ang lokal na politika sa Marikina matapos mabulgar ang umano’y talamak na vote buying kaugnay ng kandidatura ni Cong. Maan Teodoro bilang alkalde ng lungsod.
Ayon sa ilang botanteng nakatanggap ng payout, ginamit pa umano ang DSWD form bilang cover-up sa pamimigay ng pera kahit wala namang opisyal ng DSWD na naroroon. Mas nakabibigla, mga cluster leaders umano ng kampo ni Cong. Maan ang siyang namimigay ng pera.
“Pinapipirma kami sa isang papel gamit ang DSWD form, tapos pinapalagay pa ang precinct number namin. Bakit kailangan ‘yon kung legal ang pamimigay?” tanong ng isang residente.
Isa sa mga lumantad ay si Manang Linda (hindi tunay na pangalan), na nagsabing kinuha muna sila sa isang kwarto para kumbinsihin na iboto si Maan, bago ilipat sa ibang kwarto kung saan ibinibigay ang pera.
“Ang sabi nila, ‘Hindi kami bayad laban Marikina,’ pero ayun—lumabas din ang katotohanan,” pahayag ng isa sa mga residente. “Ibang klase ka talaga, BES Maan! Husay mo sa diskarte para makabili ng boto!”
Dagdag pa ng mga saksi, nakapaskil pa sa LED screen ang linyang ‘Vote Maan Teodoro’ sa mismong lugar ng payout—isang malinaw na indikasyon ng intensyong bilhin ang boto ng taumbayan.
“DSWD form ang gamit, pero walang DSWD staff? Sa tagong lugar pa? Vote buying ‘yan sa lahat ng anggulo!” mariing pahayag ng isa pang residente.
Sa ngayon, nanawagan ang mga grupo ng mamamayan at watchdogs na imbestigahan ang insidente, lalo na’t tila lumalabag ito sa mga probisyon ng Omnibus Election Code ukol sa vote buying at misuse of government documents.
“Cong. Maan Teodoro, oras na para managot ka. Hindi pera ang pamantayan ng serbisyo, kundi dangal at malasakit sa bayan,” ayon sa isang lider ng komunidad.
More Stories
MOA PARA SA PLASTIC WASTE RECOVERY PROGRAM SA NAVOTAS, NILAGDAAN
Vote-Buying? Mga Kandidato sa Malabon, Sinampahan ng Disqualification Case sa COMELEC
QC NAG-ALOK NG MAHIGIT 11,000 TRABAHO SA LABOR DAY JOB FAIR