Hi Kuya Bogart. Kumusta po. Sana ay okay lang po kayo, idol. Pinapauna ko na ang pasasalamat sa paglathala mo sa aking e-mail.Matagal ko nang gustong sulatan ka. Pero, ngayon lang ako nagkalakas ng loob. Masyadong maselan ang problema ko sa pag-ibig, kuya Bogart. Tawagin mo na lang akong Jean, 21 anyos at magtatapos na sa kursong Accountancy.
Tatlong beses na po akong nagka-boyfriend. Pero, pare-parehong kabiguan ang dinanas ko. Lahat sila ay iisa lang ang gusto sa akin— na matapos makuha ang pagkababae ko ay iniiwanan na lang ako.
Masyado kasi akong mapagmahal kapag nagka-boyfriend. Ayokong iwanan ako. Kaya, ibinibigay ko ang lahat ng gusto ng mahal ko. Madali naman akong magkagusto lalo na kung may hitsura. Dapat pa ba akong magtiwala sa lalaki? Kasi po, sapol nang naging single ako, parang naging manhater na ako. From Jean ng Caloocan City. CP# 090576387++ ( P.S: Totoo po ba ang sabi nila na hawig n’yo raw si Coco Martin?)
Kuya Bogart: Huwag ang mga naging boyfriend mo ang iyong sisihin kundi ang iyong sarili, na madaling magsuko ng pagkababae.
Kung ibig mong pahalagahan ka at mahaling tunay ng lalaki ay ingatan mo ang iyong pagkababae.Ang babaeng madaling i-surrender ang sarili sa kasintahan ay ituturing na easy to get ng lalaki. Kung magkagayon ay mawawalan sila ng respeto sa iyo.
Pero tatlong ulit mo na palang naibigay ang iyong sarili sa iba’t ibang lalaki kaya malamang ay nai-tsismis ka na rin ng iyong mga naging kasintahan.Hindi pa huli ang lahat. Next time, ingatan mo ang iyong pagkababae para galangin ka ng lalaki.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?