January 24, 2025

TAIWAN NIYANIG NG 7.4 MAGNITUDE NA LINDOL, 9 PATAY

NIYANIG ng 7.4 magnitude na lindol ang silangang bahagi ng Taiwan Miyerkules ng umaga, dahilan para itaas ang tsunami wraning sa maraming lugar kabilang na ang Japan at Pilipinas.

Tumama ang lindol alas-8 ng umaga local time, ayon sa United States Geological Survey (USGS).

Naitala ang epicenter ng lindol 18 kilometro ng Hualien City, at may lalim ito na 34.8 kilometro.

Ayon sa ulat umabot sa siyam na katao ang nasawi sa nasabing lindol.

Itinaas naman ng Meteorological Agency ng Japan ang tsunami warning na may taas na tatlong metro sa remote Japanese islands sa rehiyon, kabilang na ang Miyakojima island.

Itinaas din ang tsunami warning sa Taiwan at pinaalalahanan ang mga tao “to be vigilant and take strict precautions and pay attention to the dangers caused by sudden surges in waves”.

Ayon sa ulat, ito ang pinakamalakas na lindol na naranasan ng Taiwan sa nakalipas na 25 na taon.

Tumama ang 7.6 magnitude na lindol sa Taiwan noong September 1999 na kumitil sa 2,400 katao.