January 19, 2025

TAGUMPAY ANG PH DRAGONBOAT SA SHANGHAI

PANIBAGONG karangalan ang naiuwi ng Filipino paddlers sa kanilang pagdayo sa Shanghai nitong nakaraang weekend.

Namayagpag ang PCKF Dragonboat Open tournament  sa Putuo, Shanghai na sinundan ng tagumpay sa 19th Shanghai International Shuzhou Creek Dragonboat Tournament.

Ang juniors at seniors team members ay wagi sa 500 meters 10 seaters open category( first place) at bumida rin sa 200 meters 10 seaters open category  ( first place)upang tanghaling  overall champion  sa open men’s category.

“I’m extending my warmest congratulations and gratitudes to all coaches and athletes of our PCKF Dragonboat national team for the achievements in the recent Shanghai, China tournaments,” buong pagmamalaking winika ni Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation secretary general (coach) Len Escollante.”I’m so happy and thankful for the big success in the races done by the combined efforts of our juniors and seniors team members”.

Nagpaabot ng taos na pasasalamat si Escollante kay Consul General  Josel Ignacio at kanyang kawani sa kanilang todo suporta sa Philippime team. “Mabuhay ang  Atletang Pinoy..to God be the Glory” pahayag ni Escollante.

Si Escollante ay patuloy na nagsisikap sa pagdiskubre ng potensyal na talento sa grassroots upang lalo pang mapalakas ang elite pool ng Pinoy paddlers.

Samantala , bukas ay ipa- finalize na ang mga koponang lalahok sa 1st Hon.Marjorie Ann Teodoro Invitational Dragonboat Race 2023 na aarangkada bago ang pambungad seremonya ng DepEd Palarong Pambansa na ihu-host ng Marikina City sa Hulyo 31.

Ito ay ia-anunsiyo ni Escollante matapos ang pampinaleng pulong -pambalitaan kay Marikina City Mayor Marcy Teodoro.