Pinagkalooban ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ng 1,000 hanggang P3,000 Gratuity Pay ang lahat na mga manggagawa sa Contract of Service (COS) at Job Order (JO) para sa kanilang walang pagod at buong-pusong serbisyo sa gitna ng nagpatuloy na COVID-19 pandemic.
Ayon kay Mayor Lino Cayetano ang gratuity pay ay ipinagkaloob sa mga manggagawa sa Contract of Service (COS) at Job Order (JO) batay sa haba ng kanilang serbisyo sa lungsod.
Ang mga manggagawa ng cOS at JO na nagbigay ng serbisyo para sa dalawang (2) buwan na mas mababa sa 3 buwan ay nakatanggap ng P1,000, habang 2,000 naman sa higit (3) buwan
3,000 naman ang binibigay sa nakapagserbisyo sa Higit na apat na buwan.
Ang Contract of Service (COS) at Job Order (JO) ay hindi regular na mga empleyado at walang mga benepisyo tulad ng Government Service Insurance System (GSIS), PAG-IBIG, at iba pang mga insentibo.
Gayunman, kinikilala ng pamahalaang lokal ng Taguig ang mahalagang papel ng kanilang mahigit sa 5,000 mga manggagawa sa mabisang pagpapatupad ng mga programa, proyekto, lalo na sa kasagsagan ng 2020 kung kailan talaga naging agresibo ang pag-iwas ng COVID-19 sa lungsod.
Kaugnay nito pinasasalamatan ni Cayetano ang lahat ng mga manggagawa ng gobyerno sa kanilang pagsisikap na gawing tuloy-tuloy ang naitalang pinakamababang kaso ng COVID-19 sa Taguig City. (Balita ni RUDY MABANAG)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA