
PINATAOB ng Taguig Stallions at Manila MSW Mavericks ang kanilang katunggali sa round 1 season one ng 1st Sharks Billiards Association( SBA) 9- ball Billiards pro tournament sa Sharks Arena and Sports Bar sa Quezon City.
Nagtala ng parehong 13 puntos ang Stallions kontra QC Dragons sa pinagsamang puwersa nina Rodrigo Geronimo,Demosthenes Pulpul, Michael Quinay at Bryant Saguiped habang ang Manileños ay ginapi ang Negros Occidental Pillars.
Pambato ng Manila Mavericks sina Baseth Macaibat,Jonas .agpantay,John Marido at John Albert Regalado.
Handa namang bumuwelta ng Quezon City Dragons at Negros Occidental Pillars sa second round ng ligang may basbas ng Games and Amusement Board( GAB).
Ang SBA na buwenamanong torneong pro billiards sa bansa ay inorganisa ni SBA founding head Hadley Mariano katuwang si George Ho.
Para sa dagdag detalye , mag-email sa [email protected]. (DANNY SIMON)
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa