
Nagbigay ng mapanghámon at makabuluhang panayam si Komisyoner Arthur P. Casanova, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa National Teachers College (NTC) noong 05 Abril 2025.
Dinaluhan ng mga mag-aaral ng medyor sa Filipino ang seminar na may temang
“Pag-asa at Pagbása: Ang Papel ng Panitikan sa Pagbuo ng Kamalayang Panlipunan” na bahagi ng pagdiriwang ng NTC ngayong Buwan ng Panitikan 2025 na may temang “SIKAD PANITIKAN: Kultura at Panitikan ng Kaunlaran.”
Pinangunahan ang seminar ni G. Marino Crisostomo, Tagapangulo, Samahan ng Gabay ng Wika (GAWI) katuwang si Bb. Alecxandra Cortez, pangulo ng nabanggit na organisasyong pangwika.
Naniniwala si Tagapangulong Casanova na ang mga mag-aaral ng medyor sa Filipino ng NTC ay magiging katuwang ng KWF sa darating na panahon para sa pagtataguyod sa pag-unlad at paggamit ng Filipino bílang Wikang Pambansa hábang pinapangalagaan ang mga wikang katutubo ng Pilipinas tungo sa pagkakaunawaan, pagkakaisa, at kaunlaran ng sambayanang Pilipino.

More Stories
Pinay Lawyer, Pasok sa Top 200 World Rankings sa Padel
QC Todo na sa Kalikasan! Fashion Show, Tree Giveaway at Plastic Ban, Tampok sa Earth Day 2025
REBELDE NA NANUNOG NG SIMBAHAN SA ILIGAN, ARETADO SA BUKIDNON