November 5, 2024

TAG-ULAN SIMULA SA HUNYO – PAGASA

POSIBLENG magsimula ang tag-ulan sa kalagitnaan ng Hunyo, ayon sa PAGASA, habang milyon-milyon katao sa buong bansa ang nahihilo na dahil sa sobrang init ng temperatura ngayong summer.

Present na ang mga ulap sa Western Luzon area so possible up to second half o up to second week of June ay mag-start na ang ating tag-ulan,” ayon kay PAGASA forecaster Raymond Ordinario.

Asahan pa ang mainit na panahon sa nalalabing araw ng Mayo, sambit pa ni Ordinario.

Noong Mayo 14, naramdaman ang 53 degrees Celsius na heat index sa Dagupan City, isang mapanganib na lebel na maari umanong maging sanhi ng heat cramps at heat exhaustion, na maaring mauwi sa heat stroke kung tuloy-tuloy ang physical activities.

Habang 40.8 degree naman na heat index ang naranasan sa Aparri.