Inanunsyo ng state weather bureau PAGASA ang pagsisimula ng tag-init sa pagtatapos ng northeast monsoon o amihan season nitong Biyernes.
Naobserbahan ang pagtaas ng air temperatures sa maraming bahagi ng bansa at sinabi ng ahensya na dadalas na rin ang bilang ng mainit na araw sa susunod na mga buwan.
Subalit, posible pa ring maranasan ang isolated thunderstorms, partikular sa hapon o sa gabi.
Mula 2019, idineklara ang pagsisimula ng sa ikatlo o ika-apat na linggo ng Marso.
Ayon sa PAGASA, magpapatuloy ang pagbaba ng normal rainfall o tuyong kondisyon dahil sa umiiral na El Niño, na maaaring magresulta sa dry spells at tagtuyot sa maraming lugar sa bansa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA