PATULOY ang nangyayaring hidwaan ng mga lider ng ruling party PDP-Laban.
Isang malaking suntok ang tumama kay PDP-Laban acting president Senator Manny Pacquiao ngayong Linggo, Mayo 30, nang sabihin ng Malacañang na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagbigay ng direktiba kay Energy Secretary Alfonso Cusi, vice chairman ng partido, na mag-organisa, magpulong at pamunuan ang isang council meeting.
Si Duterte ang chairman ng PDP-Laban.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na layon ng hakbang na konsultahin ang mga miyembro ng partido at magkaroon ng mabunga at produktibong pagapalitan ng opinyon sa mga usapin na nakaaapekto sa PDP-Laban.
“This move, which is part of the democratic exercise, aims to consult party members and have fruitful and productive exchanges on issues affecting PDP-Laban,” ani Sec. Roque.
Kamakailan kasi ay sinabihan ni Senator Manny Pacquiao ang mga kapartido sa Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na huwag dumalo sa national assembly na inorganisa ni party vice-chairman at Sec. Cusi.
“You might have received Vice Chairman Alfonso Cusi’s letter calling for a national assembly on May 31, 2021,” nakasaad sa memorandum na pirmado ni Pacquiao.
“All concerned Partymates are strongly advised to ignore the letter,” dagdag nito.
Ayon sa senador labag ito sa Sections 4 and 5, Article XVI of the PDP-Laban’s Constitution at hindi pinahintulutan ng Authorized National Council officials.
“Any call for a national council, assembly, or meeting must be approved by the both Chairman and the President only,” batay sa memo.
“This is not the time for politics. Instead, let us help our country ravaged by the COVID-19 pandemic,” nakasaad pa rito.
Nagsimula ang alitan nina Pacquiao at Cusi matapos kumalat ang resolusyong hinihimok si Pangulong Duterte na tumakbo bilang bise-presidente sa 2022. Giit ni Pacquiao na hindi ito pinahintulutan ng liderato ng partido at sinabihan si Cusi na huwag lasunin ang isip ng mga kapwa-kapartido dahil hindi pa prayoridad ang politika sa ngayon.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA