Itinalaga si Tab Baldwin ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) bilang head coach ng Gilas Pilipinas.
Kung kaya, siya na ang magtitimon sa national basketball team. Sasalang ang ilas sa dalawang torneo. Una, sa Clark Window ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers. Ikalawa, sa Belgrade Olympic Qualifying Tournament.
Sa nakalipas na 5 taon, balik head coach uli si Baldwin ng Gilas. Buong puso niya naman itong tinanggap.
“I have accepted the opportunity and the challenge to be Gilas’ head coach at this time,” aniya.
“I am honored to continue working with this outstanding coaching staff as we strive to take these next steps forward in the direction we envision for 2023.”
“I’m hoping that my international coaching experience and familiarity with our playing systems will be an additional asset to the team in the upcoming challenges the team is facing.”
Si Baldwin ang ikatlong head coach ng Gilas sa pagsampa sa FIBA Asia Cup Qualifiers. Lalaro ang Gilas sa Clark Window laban sa South Korea at Indonesia sa susunod na linggo.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2