HUMINGI ng saklolo si House Committee on Ways and Means chairperson Joey Salceda sa Malacañang at kay Energy Secretary Alfonso Cusi upang maiwasan ang nagbabadyang taas singil sa kuryente sa Albay.
Ayon kay Salceda, overexposed na ang Albay sa electricity spot market, na tumaas ang singgil sa kuryente kamakailan lang dahil sa manipis na supply at mataas na demand ng kuryente.
Upang maiwasan ang power rate hike, hiniling ng Albay Power and Energy Corp. (APEC) na payagan itong pumasok sa emergency power supply agreement pero ibinasura ng Department of Energy ang kahiligan noong Mayo 27.
Kaya nanawagan si Salceda kina Senator Bong Go at Cusi na mamagitan.
“Thanks to Sen. Bong Go and Sec. Cusi, the DOE will issue on Tuesday a certificate of exemption from CSP (competitive selection process) to APEC for 6 months,” pasasalamat ni Salceda.
Paliwanag ng mambabatas na maaring bumili ng kuryente ang APEC sa mga planta na nagbebenta sa halagang P6.70 per kilowatt hour na malayo sa P13.47/kWh na presyuhan sa Wholesale Electricity Sport Market (WESM).
Dahil dito maaring bumaba sa P8.40 ang electricity rates sa Albay para sa billing ng Hulyo.
“This intervention will keep the lights on in Albay, and possibly lower prices. It buys us six months to solve more structural issues with APEC,” dagdag ni Salceda.
More Stories
PNP SPOKESPERSON, REGIONAL DIRECTOR NA
DA: IMPORTED NA BIGAS HANGGANG P58/KG
UKRAINIAN MMA FIGHTER BAGSAK KAY DENICE ZAMBOANGA