
Inaasahang tataas ang presyo ng mga imported na karne sa mga susunod na mga buwan dahil sa epekto ng African swine fever (ASF), ayon sa Meat Importers and Traders Association (MITA).
Apektado raw kasi ng ASF ang bansang China na pinakamalaking pork producer sa buong mundo.
Ayon sa MITA, dahil dito, binibili ng China ang lahat halos ng imported na karne sa buong mundo para matiyak na sapat ang kanilang suplay.
Kasama sa mga inaasahang tataas ang presyo ay ang mga imported na ham, tocina, tainga, pisngi at atay ng baboy.
Sa taas umano ng demand sa China, apektado na rin maging ang ibang karne gaya ng manok, baka, at iba pa na alternatibo sa karne ng baboy.
Ayon sa Department of Agriculture (DA), magandang pagkakataon ang pagtaas ng presyo ng imported para sa mga lokal na hog raiser.
Tinitingnan din ng DA ang pag-i-import ng baboy sa China
More Stories
DELA ROSA SA PNP: SA HALIP MAKISAWSAW SA PULITIKA, PAGTAAS NG KASO NG KIDNAPPING TUTUKAN
PANGUNGUNA NI VP SARA SA SURVEY WALANG EPEKTO SA IMPEACHMENT TRIAL – REP. LUISTRO
ROQUE, MAHARLIKA KINASUHAN NG NBI DAHIL SA POLVORON VIDEO