November 5, 2024

TAAS-PRESYO NG PETROLYO NAKAAMBA

KAPIT na mga motorista dahil nakaamba na sa susunod na linggo ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa ilang oil industry sources, papalo ng mula P0.55 hanggang P0.65 ang presyo sa kada litro ng gasolina.

May umento ring P0.30 hanggang P0.40 ang presyo sa kada litro ng diesel.

Habang sa presyo naman ng kerosene ay may pagsirit na mula P0.30 hanggang P0.40.

Ayon sa mga taga-industriya, tumataas na ang demand ng langis sa buong mundo habang bumabalik na sa normal ang mga industriyang nagsara dahil sa coronavirus pandemic.

Bago ang rollback, pumalo ng P8 hanggang P10 ang pagsipa sa produktong petrolyo sa loob ng siyam na sunod-sunod na linggong may oil price hike.

Karaniwang ipinatutupad ang adjustment sa oil prices sa tuwing araw ng Martes.