Ipinasuspinde ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsisimula sana ng dagdag-singil sa kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) ngayong Enero 2023 mula 4% patungo sa 4.5%.
Sa memorandum order na ipinadala ni Executive Secretary Lucas Bersamin kina Philhealth Acting President and Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr. at Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, hindi lamang ang dagdag-kontribusyon ang pinasuspinde ni Pangulong Marcos kundi pati na rin ang increase sa income ceiling mula P80,000 patungo sa P90,000 para sa taong 2023.
Ayon kay Bersamin, patuloy na nahaharap sa pagsubok ang bansa dulot ng epekto ng COVID-19 pandemic kaya dapat lamang na huwag dagdagan ang pasanin ng mamamayan.
Sinabi ni Bersamin na dapat bigyan muna ng pagkakataong makabawi ang mga miyembro mula sa problemang pampinansiyal kaya wala munang dagdag sa kontribusyon sa Philhealth.
“In light of the prevailing socioeconomic challenges brought about by the COVID-19 pandemic, and to provide financial relief to our countrymen amidst these difficult times, please be informed that the President has directed the Philhealth to suspend the above mentioned increase in premium rate and income ceiling for CY 2023, subject to applicable laws, rules and regulations,” anang memo ni Bersamin.
Matatandaang inalmahan ng mga miyembro ng Philhealth ang dagdag-kontribusyon dahil malaking kabawasan din umano ito sa kanilang kita lalo na at mahirap ang hanapbuhay sa ngayon dulot ng epekto ng COVID-19 pandemic.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
Lalaki dinampot sa higit P300K shabu sa Caloocan
Kelot na wanted sa sexual offenses sa Valenzuela, timbog!