
SINABI ng Social Weather Stations (SWS) na 53 porsiyento ng mga Pinoy ang nagsabi na nakatanggap sila ng tulong sa nakalipas na tatlong buwan mula sa pamahalaan at iba pang indibidwal.
Sa isinagawang survey mula Disyembre 10 hanggang 14, 32 porsiyento sa mga natulungan ay nakatanggap ng pera; 25 porsiyento naman ay pagkain; pera na ipinautang, anim na porsiyento; non-food items, dalawang porsiyento; suporta para sa pag-aaral at pagsasanay, dalawang porsiyento; iba pang serbisyo, dalawang porsiyento; at trabaho, dalawang porsiyento.
Samantala, 47 porsiyento naman ng mga pamilya ang nagsabi na wala silang natanggap na tulong sa nakalipas na tatlong buwan.
Base sa survey, 60 porsiyento ay galing sa gobyerno, 37 porsiyento muka sa mga kamag-anak, 11 porsiyento mula sa mga kaibigan, limang porsiyento mula sa mga kaibigan, tatlong porsiyento mula sa pribadong kumpanya, tatlong porsiyento mula sa non-government organizations at isang porsiyento mula sa religious organizations.
Ginawa ang survey gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondent.
More Stories
Burol ni Johnny Dayang, isasagawa sa Makati; Haligi ng Midya at Serbisyo Publiko
Makati Subway, Goodbye na (Matapos ang SC ruling)
Rep. Pulong Duterte, Inireklamo sa DOJ Dahil sa Umano’y Pananaksak at Pagbugbog sa Negosyante sa Davao Bar