HUMANDA na Manilenyong chess at darts enthusiasts.
Kasado na ang pag-arangkada ng tunggalian sa larangan ng chess( ahedres) at darts sa Lungsod Maynila partikular sa Sampaloc.
Ang naturang kaganapang pang-sports ay handog para sa kabataang lalaki at babae gayundin sa adults at seniors na Manilenyo partikular sa mga taga-Sampaloc at kanugnug na distrito mula sa sikat na celebrity at representante na si Sam Verzosa.
Ang 1st Invitational Chess & Darts tournament ‘Ka SAMa ka sa SAMpaloc ng Kasangga ng SAMpaloc Movement ay handog -palaro ni SAM para sa mahal niyang kalungsod.
Nakatakda sumulong ang chess at tumudla ang darts sa Hunyo 9 at 16 sa iaanunsiyo pang venue ng kaganapan sa kooperasyon ng KOBI Phils- Kapisanan ng mga Opisyales ng Barangay Inc., Phils. at Kooperatiba ng mga Opisyales ng Barangay , Inc. Philippines.
Ang mga malalaro ay mula sa koponan nina Kap Eunice Ann Castro – Kabuhayan at Paglilingkod sa Barangay;Kevin Cosme- We Build Your Homes, We Build Your Dreams;Coun.DJ Bagatsing- Original ‘Bata’ ng Sampaloc at Carlo dela Cruz-an honest and dedicated man. (DANNY SIMON)
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA