Sa unang pagkakataon ay lumabas na sa publiko ang suspek sa pag-araro sa isang security guard sa Mandaluyong City nitong nakaraang Linggo.
Sumuko na sa mga otoridad si Jose Antonio Sanvicente Jr. na diumano’y nagda-drive ng SUV na bumangga at tinakbuhan ang security guard na si Christian Floralde.
Iniharap ng pinuno ng PNP na si Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. sa publiko ang suspek sa pamamagitan ng programa na Pulis @ ur serbis.
Kasama ni Sanvicente ang kanyang mga magulang at abogado.
Humingi ng paumanhin ang suspek kay Floralde sa kanyang ginawang pag-araro sa security guard.
“My apologies sa nangyari. My apologies kay Mr. Floralde at sa kanyang pamilya,” wika ng suspek.
Isinuko narin sa PNP ang mismong SUV na umararo sa security guard.
“As of now, they voluntarily gave up. ‘Yung vehicle na ginamit, sinama na rin po nila sa pag-surrender ‘yung sasakyan mismo. ‘Yun po ang isa sa pinaka-importanteng ebidensya na kailangan nating mahawakan.” sabi sa pahayag ng PNP.
Itinanggi naman ng suspek na mayroon siyang koneksyon sa mga makapangyarihang indibidwal.
Inamin naman nila na natakot sila sa banta ni Danao kaya’t agad na silang sumuko.
Matatandaan na hinimok ni Danao ang kampo ni Sanvicente na huwag ng hintayin ang warrant laban sa kanila at sumuko na sila dahil sa alam naman nila na mali ang kanilang ginawa.
Makikita naman na tila uminit ang ulo ng hepe ng PNP ng makita ang suspek.
Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag ang kampo ni Sanvicente tungkol sa pagsuko nila.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE