
NAGLABAS ang Civil Service Commission (CSC) ng isang memorandum na nagbabawal sa government officials at employee sa pakikilahok sa partisan political activity, kabilang ang pag-like, pag-share at iba pa ng social media posts sa panahon ng campaign period para sa Mayo 12, 2025 elections.
Nakasaad sa Memorandum Circular 3-2025 o Reminder Not to Engage in Partisan Political Activities During the Campaign Period of the 2025 Midterm Elections ang naturang babala ng komisyon para sa lahat ng empleyado ng gobyerno.
“Government officials and employees are further reminded to be prudent when using social media. Social media functions such as liking, comment[ing], sharing, re-posting, or following a candidate’s or party’s account are considered as partisan political activity” if these are resorted to as means to solicit support for or against a candidate or party during the campaign period,” anang memorandum.
Ayon pa umano sa CSC, maaaring masuspinde ng isa hanggang anim na buwan para sa first offense ang sinumang lalabag sa nasabing kautusan ng komisyon habang tuluyang dismissal naman ang ipapataw sa second offense.
More Stories
86 DRIVER, 2 KONDUKTOR POSITIBO SA SURPRISE DRUG TEST NG PDEA NGAYONG SEMANA SANTA
P102 milyong halaga ng shabu, nasabat sa checkpoint sa Samar
DepEd: Walang pagbabawal sa pagsusuot ng toga sa graduation; imbestigasyon sa Antique incident sinimulan na