November 1, 2024

Suspendidong “ninja cops” huli sa drug bust sa Cavite

Imus City, Cavite- Kulungan na ngayon ang bagsak at posible pang matanggal sa serbisyo ang isang suspendidong pulis ng maaresto ng mga pinagsanib na puwersa ng Imus City Police Station at ng Provincial Intelligence Branch ng Cavite Police Provincial Office sa ilalim ng pamumuno ni Cavite Police Provincial Director P/Colonel Christopher Olazo, na nagsagawa ng anti-illegal drug buy-bust operation laban sa suspek bandang alas-9:50 ng kagabi sa Brgy. Malagasang 1-F ng nabanggit na bayan.

Kinilala ang suspek na si suspended Patrolman Albert Lorenz Parnala Reyes, 34, nakatalaga sa Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Cavite Police Provincial Office at isang High Value Individual (HVI) sa drugs watch list.

Base sa report nasakote ang suspek matapos na kumagat sa inilatag na operasyon ng kanyang mga kabarong pulis ng bentahan nito ng droga ang isang under cover agent at nasamsam sa suspek ang (1) pc. knot tied transparent plastic sachet ng mga hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang sa 20 grams at nagkakahalaga ng Fourty Thousand Pesos (P40,000.), (1) Para Ordinance Hi- Cap Cal.45 pistol with serial number 1555584 na may laman na isang magazine at apat (4) na piraso ng mga bala nabawi din sa posisyon ng suspek ang P40,000.na ginamit na Boodle marked money.

Pansamantalang nakakulong na ngayon ang suspek na pulis sa Imus City Custodial Facility at nahaharap sa patong patong na kasong administratibo at kriminal dahil sa paglabag sa Violation of Section 5 at 11 ng RA 9165 (Dangerous Drugs Act Law), Violation of RA 10591 (Comprehensive Laws in Firearms and Ammunitions). (KOI HIPOLITO)