SUMUKO na sa Metro Manila Development Authority ang suspek na umano’y sangkot sa pagbebenta ng vaccination slots sa halagang P10,000 sa Mandaluyong.
Iniharap sa media nina MMDA chairman Benjur Abalos at Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos ang suspek sa media, na itinanggi na sangkot siya sa nasabing raket.
Kinilala ang suspek na si Kyle Bonifacio na boluntaryong isinuko ang sarili.
“Hindi po talaga ako nagbenta but ‘yung resibo po na ‘yun ay kusang bigay po sa akin nung taong ‘yun, ‘yun lamang po,” paliwanag ni Bonifacio.
Nilinaw din niya na wala siyang koneksyon sa lokal na pamahalaan ng Mandaluyong.
“Wala po akong connection sa LGU [local government unit], dahil isa lamang po akong batang estudyante at malabo po akong magkaroon ng ganoong koneksyon,” ayon sa suspek.
Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalya ang suspek kaugnay sa modus.
Iti-turn over si Bonifacio sa Philippine National Police para sa imbestigasyon. RUDY MABANAG
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD