
MORONG, RIZAL —Bagsak sa selda ang isang lalaking sangkot sa tangkang pagpatay sa dalawang residente ng Sitio Talaga, Brgy. Maybancal matapos masabat sa kanya ang mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu at marijuana.
Naganap ang tangkang pagpatay pasado 11:30 ng gabi noong Hunyo 2, ngunit naiulat sa pulisya madaling araw ng Hunyo 3, dahilan para agad ikasa ng Morong Police ang puspusang follow-up operation.
Hindi nakalusot ang suspek na si alyas John, habang walo pa niyang mga kasabwat ang pinaghahanap ng batas hanggang ngayon.
Sa isinagawang paghahalughog, tumambad sa mga operatiba ang 25 sachet ng hinihinalang shabu — 200 gramo, halagang P1.36 milyon; at isang aluminum bag ng pinatuyong Kush — 10 gramo, halagang P20,000.
“Ang laban kontra krimen ay hindi lamang responsibilidad ng kapulisan kundi ng buong bayan. Sa tulong ng bawat mamamayan, makakamit natin ang isang ligtas, tahimik, at maunlad na Morong,” giit ng mga awtoridad.
Hinimok din ng Morong Police ang taumbayan na makipagtulungan upang tuluyang mawasak ang ugat ng kriminalidad at droga sa lugar.
More Stories
Impeachment Hindi Dapat Ginagawang Opsyonal
Bigas Bagsak Presyo! P20 Kada Kilo Lumalawak na — PSA
UP Law Profs sa Senado: Impeachment ni VP Sara Ituloy