Patay na ang dating opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na sangkot sa pagpatay sa batikang broadcaster na si Percy Lapid.
Ayon sa ulat ng Bataan provincial police, pumanaw nitong Biyernes ng alas-11:00 ng gabi si dating BuCor superintendent Ricardo Zulueta, 42, dahil sa heart failure.
Namatay si Zulueta sa Bataan Peninsula Medical Center sa bayan ng Dinalupihan, kung saan siya isinugod ng kanyang kapatid. Dinala ang kanyang bangkay sa Barangay Mabiga sa bayan ng Hermosa, dagdag ng pulisya.
Hinimok naman ng kapatid ni Lapid na si Journalist Roy Mabasa ang Philippine National Police (PNP) na alamin ang katotohanan sa pagpanaw ng suspek.
“As much as possible, we would like the PNP to ascertain the real cause of his death since he was originally tagged as one of the masterminds in the killing of Percy Lapid. Getting an independent autopsy report would assuage the public that we are indeed after the truth,” ayon kay Mabasa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA