NASAKOTE noong Miyerkoles ng gabi ng Northern Police District (NPD) ang No.19 most wanted person sa kanyang pinagtataguang lugar sa Zambales City na itinuturong nangholdap at pumatay sa isang matandang babae.
Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD) chief PLTCOL Jay Dimaandal ang naarestong akusado na si Jonard Manalo, 27, tubong Malabon City at residente ng Purok 6, Magsaysay Castillejos Zambales.
Ayon kay kay PLTCOl Dimaandal, ang pagkakaaresto kay Manalo ay resulta ng Intelligence research at pinaigting na operation kontra most wanted person sa pamamagitan ng patnubay at matibay na pamumuno ni NPD Director PBGEN Jose Hidalgo Jr, matapos ang natanggap nilang impormassyon mula QCDIT-RIU hinggil sa pinagtataguan ng akusado.
Agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni PLT Melito Pabon sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Dimaandal, kasama ang QCDIT-RIU, Zambales PIT-RIU3, RID NCRPO, Valenzuela CPS, Castillejos MPS, Zambales at DID-QCPD saka ikinasa ang joint operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-10 ng gabi sa kahabaan ng National High-way Brgy. San Juan, Castillejos, Zambales City.
Si Manalo ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong March 23, 2021 ni Hon. Judge Evangeline Mendoza Francisco ng Valenzuela City RTC Branch 170 para sa kasong Robbery with Homicide na walang inirekomendang piyansa.
Ani PLT Pabon, naganap ang insidente noong 2020 nang holdapin ni Manalo ang biktima habang naglalakad sa kahabaan ng Doña Elena St., Punturin, Valenzuela City.
Subalit nanlaban ang biktima kaya pinatay ito ng suspek.
(JUVY LUCERO)
More Stories
NAVOTAS NANALO NG MARAMING AWARDS SA EXEMPLARY GOVERNANCE
MAYROON AKONG DEATH SQUAD – DIGONG
RESPONSIBILIDAD SA MADUGONG DRUG WAR, INAKO NI DUTERTE