NAARESTO na ng mga pulis ang suspek na walang awang pumatay sa 17-anyos na dalagitang estudyante, isang araw matapos ang nangyaring krimen noong Lunes, sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek sa alyas “Ar-Jay”, 40, na umamin aniya sa ginawa niyang pagpatay sa Grade 12 na biktimang si “Daisy.
Sa kanyang isinumiteng ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Lacuesta na lasing ang suspek nang pasukin sa loob ng bahay ang nag-iisang biktima at inamin na plano sana niyang halayin subalit nataranta nang magsisigaw at manlaban ang dalagita kaya’t hinataw niya ng sunod-sunod ng martilyo sa ulo.
Gayunman, sinabi ni Lacuesta na hihilingin nila na mapasailalim sa genital examination ang bangkay ng biktima upang alamin kung nagahasa ang dalagita bago pinatay.
Sinabi ni Col. Lacuesta na bukod sa kinilala ni Efren Notario, ama ng biktima, ang suspek na nakita sa close circuit television (CCTV) camera na pumasok sa loob ng kanilang bahay, dalawa pang testigo ang nagpatunay na nakita rin nila ang suspek nang lumabas ng bahay na may bahid ng dugo ang suot na checkered na short.
Bukod sa dalawang testigo at martilyong may bahid ng dugo na nakuha sa crime scene, nakuha rin ng mga pulis sa suspek nang madakip sa may Libis, Nadurata St. Brgy 18 ang dala niyang back pack na naglalaman ng kanyang short at tsinelas na may bahid ng dugo at wallet na may lamang ID ng biktima, na gagamiting ebidensiya sa paghahain ng kasong robbery with homicide sa Caloocan City Prosecutor’s Office dahil sa ginawang pagnanakaw sa cellular phone at pera ng biktima, pati na ang mga tools sa loob ng bahay.
Sinabi pa ni Col. Lacuesta na may record na sa kanilang himpilan ang suspek sa paggamit ng ilegal na droga at sa oras aniya na lumabas sa resulta ng genital examination na hinalay ang biktima, karagdagang kaso pa ang isasampa nila sa suspek.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI