BALAYAN, BATANGAS – Kusang sumuko sa Balayan Municipal Police Station ang itinuturong personal driver at body guard ni Police Major Allan De Castro na si Jeffrey Magpantay na isa umano sa pagkawala ni beauty pageant contestant Chaterine Camilon.
Base sa ipinadalang report ni Batangas Police Provincial Director P/Colonel Samson B. Belmonte, kay Calabarzon Regional Director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, sinamahan ng kanyang live-in partner sa Balayan PNP si Magpantay para sumuko at makipagtulungan sa paggulong ng imbestigasyon sa pagkawala ni Camilon noong gabi ng October 13, 2023.
Ayon naman kay General Lucas, si Magpantay din ang sinasabing nakita ‘di-umano ng dalawang saksi na tumutok ng baril sa kanila makaraang aksidenteng masaksihan ang paglipat ng katawan ng duguang babae sa isang kulay pulang Honda SUV galing sa isang kulay silver na Nissan Juke SUV malapit sa Santa Catalina Subdivision sa Bauan, Batangas.
Samantala bigo nanaman sa ikalawang pagkakataon na dumalo sa isinasagawang preliminary investigation sa Batangas City Regional Trial Court si De Castro, na nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo dahil umano sa iniindang karamdaman nito, ayon na rin sa kanyang abogado.
Nagpapasalamat naman ang ina ni Catherine na si Ginang Rose Camilon sa ginawang pagsuko ni Magpantay dahil magkakaroon na umano ng linaw ang pagkawala ng kanyang anak at umaasa ito na nasa mabuting kalagayan si Catherine. (KOI HIPOLITO)
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO