Base sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, top choice si Sen. Raffy Tulfo ng mga respondents para sa 2028 presidential polls, pangalawa si Vice President Sara Duterte.
Bukod sa senador, pasok sa “magic 12” para sa pagka-senador sa 2025 midterm elections ang kanyang dalawang kapatid.
“The Tulfos in elective politics are still new. People might be willing to give them a chance owing to their prior record of addressing their concerns,” ayon kay Pulse Asia president Ronald Holmes .
Samantala, ayon kay political analyst Julio Teehankee, ang pag-angat ng Tulfo brand ay patunay ng kahinaan ng justice system.
Nabanggit niya na ang panganay na Tulfo na kapatid na si Mon ay sumikat sa pagtulong sa mga inaapi at sa mga humihingi ng hustisya.
“Ito rin ay isang indikasyon ng tuluyang kahinaan ng ating justice system dahil ang ordinaryong mamamayan ay sa tingin nila di sila makalapit sa hukuman, sa pulisiya, at sa mga institusyon panghustisya at ang nilalapitan nila ay itong mga nagpapublic service idagdag pa natin diyan ang paglago ng impluwensiya ng social media,” ayon kay Teehankee.
“Iyung Tulfo brand na sinimulan ni Mon Tulfo na ngayon ay pinagpapatuloy ng kaniyang mga kapatid at dahil dito naluklok sa posisyon ang kaniyang mga kapatid tulad ni Sen. Raffy Tulfo.”
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA