January 23, 2025

SUROY SUROY SUGBO SA CAMOTES ISLAND, SINUYOD NINA SEN. LITO AT TIEZA COO MARK LAPID

DUMALO si Senador Lito Lapid sa programang Suroy Suroy Sugbo ni Cebu Governor Gwen Garcia ngayong Sabado, May 11, 2024.

Kasama ng Senador ang kanyang anak na si TIEZA – Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority COO Mark Lapid sa nasabing event na ginanap sa bayan ng Pilar, Ponson Island at San Francisco, Camotes Island, Cebu.

Unang dinaluhan ng mag-amang Lapid ang event sa Pilar kung saan sinalubong sila nina Gov. Garcia, Mayor Manuel Santiago at Vice-Mayor

Chiziline Maratas.

Bago magtungo sa event, dumaan muna ang mag-amang Lapid  sa St. Francis Church para manalangin.

Sa Pilar, dinaluhan ang Suroy Suroy ng nasa 300 bisita kabilang na ang ilang foreign tourist na lulan ng Ocean jet ferry.

Mula sa Cebu mainland, namasyal ang mga bisita at dayuhang turista sa isla ng Ponson at sa bayan ng  San Francisco.

Dakong alas-3:30 ng hapon, sumunod na dinaluhan ng mag-amang Lapid ang maiksing programa sa Lake Danao, San Francisco na pinangunahan ng mga local official kabilang na sina Gov. Garcia, Mayor Alfredo Arquillano, Jr. at Vice-Mayor Aly Arquillano.

Kabilang sa nag-enjoy ang mga bakasyunista at turista ang  water rides, zip line, islet hoping and viewing, fishing, horse riding,  agro fair display, palo-sebo at palayok making sa San Francisco.

Natutuwa naman ang mag-amang Lapid sa mainit na pagtanggap ni Gov. Garcia, mga local official at mga Cebuanong nakiisa sa dalawang aktibidad.

Nangako si Sen Lapid na maglaan ng pondo para sa ilang proyekto at ayuda sa mga residente sa bayan  ng Pilar at San Francisco.

Ang Suroy Suroy Sugbo ay programa ni Gov. Garcia para sa promosyon ng tradisyon, kultura, turismo, heritage at religious sites, mga pagkain at mga produktong unique sa isang bayan.