December 24, 2024

Suporta sa ating mga farmers at fisherfolks, dapat pang paigtingin ng gobyerno

Magandang araw, mga Ka- Sampaguita. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan. Nawa’y di magmaliw ang di nauubos na biyaya ng Maykapal. 

Muli, ipagpatuloy natin ang pagtalakay tungkol sa sektor ng agrikultura’t pangisdaan. Na lubhang mahalaga ngayong panahon ng pandemya.

Malaon nang suliranin sa bansa ang tila pagbaba ng tingin ng miron sa sector ng agrikultura. Pero, hindi na gayun. Dahil sa COVID-19 pandemic, namulat tayo sa halaga ng sektor na ito.

Gaya ng ating tinuran ng nakaraan, sa ating mga farmers at fisherfolks nagmumula ang pagkain. Nililinang nila ang biyaya ng Maykapal.

Ika natin kamakailan, tama na dagdagan ang pondo ng sektor sa pagkasa ng Bayanihan II. Na ilalaan sa free irrigation fee, paglinang ng hybrid seeds, abono at mga tools.

Ang mga ito ay magagamit sa high production ng mais, trigo palay at iba pang panananim.

Dapat na muling ilagay sa rurok ang bansa bilang isang rice-exporting nation. Hindi, importing nation. Kapag nagkagayun, malaking tulong ito upang umunlad ang mga farmers.

Para naman sa ating mga fisherfolks, maglalaan para sa kanila ng bangka. Gayundin ng lambat at iba pa. Dapat totohanan ang suporta, hindi dapat maantala.

Katuwang ang Department of Agriculture, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, National Irrigation Administration— tataas ang kalidad ng agrikultura at pangisdaan sa ating bansa.

Adios Amorsekos.