September 19, 2024

SUPERSTAR LEE MIN HO, HITS 20M FOLLOWERS ON BOTH FB AND IG

Umabot na sa 20 million followers ang South Korean actor na si Lee Min Ho sa bawat social media accounts niya sa Facebook at Instagram. Masaya ang buong agency ni Min Ho, ang MYM Entertainment, dahil hindi nila akalaing ma-hihit nila ang ganoon karaming followers. Ibang kasikatan ang tinatamasa ngayon ng Boys Over Flowers actor, kaya ang bansag ngayon sa kanya ay isang Superstar at talagang tinitingala ng kanyang mga tagahanga.

Noong nakaraang taon naman, naka-28.63 million followers ang kanyang Weibo account. Siya ang tanging Korean artist na nakapagtala nang ganyang karaming followers sa buong mundo, at hindi rin naman nila inaasahan na talagang loyal na suporta ang kanilang ipinagkaloob sa pogitong actor. Deserving naman siya dahil bukod sa pagiging mahusay nitong umarte, mahusay rin siyang singer at model kaya patuloy siyang hinahangaan.

Pumangatlo rin si Min Ho sa Asian celebrities on the King’s Choices list of the 100 Most Attractive Asian Celebs of 2020. Ang total na boto na kanyang natamo ay umabot sa 100 million.

Hindi naging hadlang sa aktor ang pagpasok niya sa military service last year. Dahil nang bumalik siya sa showbiz industry, nakagawa pa siya ng isang drama na may titulong ‘The King: Eternal Monarch.’ Dito, lalo pang kuminang ang pagka-bituin niya at sunud-sunod na mga projects ang nagdatingan sa kanya.