January 24, 2025

SuperGamefest, lalarga sa Disyembre

Ang newst platform na Virtual Hangouts ay may apat na maiaalok na online events para sa Gen Z youth. Tampok dito ang esports.

Tinaguriang Go ESPORTS, ang naturang hangout ay magbibigay ng pagkakataon sa mga Pinoy gamers na makalahok sa online tournaments at apprenticeship workshops na magsisilbing tiket para mapabilang sa Philippine Team na sasabak sa Southeast Asian region meet at Super Gamerfest (SGF) 2020.

Ang SuperGamerFest (SGF) ay kakaibang live streamed online festival na nakatakdang isagawa sa December 5-6 at 11-13, 2020. Inilunsad ito nitong October 18. Nakapaloob sa SGF ang mga aktibidad tulad ng gaming tournaments, watch parties, interviews sa mga top esports personalities, workshops, behind the scenes training, at region’s first gaming and esports awards!

It’s about all things gaming that we enjoy, and not stopping at just competition when it comes to us presenting esports in an engaging way,” pahayag ni Cindy Tan, Head of Business and Marketing ng Singtel’s International Group.

Tampok na programa sa SGF ang PVP Esports 2020 Community Championships na gaganapin sa Singapore. Apat na champion teams mula sa Ulti Cup, University Alliance Cup, at National Campus Open at kakatawan sa bansa laban sa matitikas na koponan sa Southeast Asia sa Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) at Valorant. Kabuuang US$ 100,000 cash ang nakataya sa toreneo.

Ang local qualifiers para sa Collegiate Cup ay gaganapin sa AcadArena, habang ang Globe Virtual Hangouts ang magsasagawa ng Ulti Cup na magsisilbing Philippine qualifier para sa PVP Esports Open Tournament ng MLBB at Valorant.

Bukas ang Globe Virtual Hangouts Ulti Cup sa professional at amateur gamers at nakataya ang kabuuang P300,000 premyo. Kahapon ang pagpapatala hanggang ngayong araw sa Globe Virtual Hangouts page.