Yumuko ang Saitama Ageo Medics sa Hisamitsu Spring, 22-25, 25-21,19-25, 20-25 sa 2020-21 Japan V.League Division 1 Women’s tournament.
Sa larong ito, nangapa si Filipina volleybelle import Jaja Santiago. Kung saan, nagtala lamang siya ng 7 points mula sa 5-of-22 efficiency sa spiking. Ito ay mayroon lamang 22.7 percent.
Kinulang naman si Shainah Joseph sa kanyang 35-point outburst kahapon. Kung saan naglista lamang ito ng 25 points.
Dahil sa pagkatalo, bumagsak ang Saitama sa 6-7 win-loss slate, katambal ang Hisamitsu. Naghabol ang Hisamitsu sa fourth set mula sa 16-18. Tinapos nito ang laro sa pagratsada ng 9-2 blitz para dagitin ang panalo.
Nanguna sa panalo ng Hisamitsu si Arisa Inoue na may 21 points sa 17 attacks. Gayundin ng three block kills at service ace.
Magpapahinga ang liga para sa one month break. Muling papalo ang Ageo Medics sa January 10, 2021 laban sa Kurobe Aquq Fairies sa Zip Arena Okayama. Ang laro ay idaraos sa ganap na alas 2:30 ng hapon.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!