January 23, 2025

SUNTOK SA BUWAN ANG ICC

Asa pa rin ang mga desperadong oposisyon na kaya pang pabagsakin ang kinamumuhian nilang Pangulo ng bansa na pinagkakatiwalaan naman ng 91% Pilipino.

Gabuhok man ang tsansang makasisira sa nakaupo sa MalacaƱang ay kanila nang pinagbubunyi at ginagawang makitid ang isip ng mamamayan na nais nilang palabasing lagot na si PDigong dahil uusigin na daw siya ng pinagsumbungan nilang ICC tungkol sa ‘war on drugs.’

Galit ang mga bangag na kritiko ni PDu30 sa pakikidigma nito sa iligal na droga na bumibiktima at sumisira ng buhay nang sinumang malulong dito. Na- penetrate na ng mga demonyong tulak hanggang sa pinaka- remote na barangay ng bansa na napabayaang kumalat ng nakaraang administrasyong kinabibilangan ng mga durog na oposisyon ngayon.

Noon ay wala nang katiwasayan dahil saan ka man ay may panganib ng predators na adik na handang mangulimbat, mang -isnats, manggahasa at pumaslang ng inosenteng trip lang nila saan mang dyipni, bus , taxi, lansangan,terminal parke,eskinita etsetera ka matiyempuhan.

Nang magkaroon ng Pangulong seryosong tuparin ang kanyang ipinangako sa bayan, di natin mawari kung bakit umaalma ang mga basag na kritiko kuno at bakit ayaw nilang magtagumpay ang laban kontra salot na droga.

Ang tindi ng galit nila kapag nalalagas ang mga salot sa lipunan habang tahimik lang sila kapag may casualty sa panig ng pamahalaan. Kapag kasi nagtagumpay ang gobyerno sa giyera vs droga ay tiyak na wala na silang puwang sa tao dahil kahit anong laban para sa kapakanan ng bayan ay kanilang tinututulan.

Ang matindi , sa rasong di nila kayang bilugin ang mamamayan ay nagsumbong na mistulang musmos ang mga sugapang oposisyon kuno sa ibang lahi . Pasaklolo ang mga makapili sa mga animal na ICC upang kastiguhin ang Pangulo ng mga Pilipino na isa raw kriminal ng nasyon at hingi sila ng atensyon para sa imbestigasyon. Maliwanag na suntok sa buwan ang mga bira ng perwisyo ng bayang mga oposisyon dahil walang HURISDIKSYON ang ICC sa Pilipinas .

Una ay walang batayan ang pagiging miyembro ng bansa sa naturang international criminal court dahil walang kredibilidad, na sa katunayan ay marami nang tumiwalag sa kanila na mga higanteng bansa .

Ayon sa eksperto ay isinasaad sa Saligang Batas ng bansa na kailangang nakalathala sa pambansang Gazette na ito ay miyembro pero walang ganoong pangyayari kaya ni hindi sila maka-conduct ng preliminary examination para sa paunang imbestigasyon.

Mismong ang Pangulo ay itinatatuwa ang ICC na wala itong karapatang manghimasok sa Pilipinas na may sariling batas para sa mga totoong kriminal ng ating bayan. Silang mga durugistang oposisyon ang mga salot at kriminal sa ating lahi kaya HAHATULAN na sila ng suklam nating kababayan… ABANGAN!