
Patay ang apat na katao matapos sumiklab ang sunog sa Bernabe compound, Barangay Pulang Lupa Uno, sa Las Piñas ngayong Lunes, Abril 7.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) Las Piñas, umabot ang sunog sa unang alarm at naapula ang sunog bandang 3:37 a.m.
Nahulog umano ang tatlong biktima na pawang mag-iina mula sa ikatlong palapag ng bahay, hanggang sa na-trap ang mga ito sa ikalawang palapag. Habang nasa kusina naman ang ama na kasamang nasawi sa sunog.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, higit kumulang P600,000 ang halaga ng pinsala ng sunog.
More Stories
SENADO NAG-CONVENE BILANG IMPEACHMENT COURT
Pinuno ng Japanese Crime Syndicate, Nalambat ng BI sa Pampanga
Korte, Nagpasok ng ‘Not Guilty’ Plea para kay Teves sa Kasong Illegal Possession of Firearms