BINAWIAN ng buhay ang limang sundalo kasama ang suspek matapos itong mag-amok sa loob mismo ng Support Service Battalion Headquarters ng 4th Infantry Division Philippine Army sa Camp Evangelista, Barangay Patag dito sa lungsod ng Cagayan de Oro.
Sa ulat ng 4ID, nakilala ang mga nasawing sundalo na sina Sgt. Rogelio Rojo Jr., Corporal Bernard Rodrigo, Pfc Prince Kevin Balaba at Private Joseph Tamayo; pawang ng SSB unit sa nasabing himpilan.
Isinugod naman sa pagamutan si Staff Sgt. Braulio Macalos Jr., na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon dahil sa tama ng punglo sa katawan.
Sa imbestigasyon, nakilala ang nag-amok na sundalo na si Private Jomar Villabito, nakatalaga sa Security Service Battalion (SSB) sa ilalim ng 4th Infantry Division (4ID) ng Philippine Army sa Camp Evangelista sa Brgy. Patag ng lungsod na ito.
Dakong ala-1:10 ng madaling araw ng maganap ang insidente habang mahimbing na natutulog ang mga sundalo sa barracks ng SSB sa kampo nang bigla na lamang pagbabarilin ni Villabito.
Nabatid na ilang araw na umanong nakitaan nang pagkabalisa si Vilabito na inakala naman ng mga kasamahan nitong sundalo na nalulungkot lamang dahilan malayo ito sa kaniyang pamilya. Inaalam din kung may ‘war shock’ ang biktima na karaniwang depresyong nararanasan ng mga sundalong sumasabak sa ‘combat duties ‘.
More Stories
ZERO BUDGET DESERVE NI VP SARA – ESPIRITU
IMEE, VILLAR UMABOT NA SA P1-B ANG GASTOS SA POLITICAL ADS
KUWAITI NATIONAL UMAMIN SA PAGPATAY SA OFW