INAASAHAN na ng Bureau of Immigration ang patuloy na pagtaas ng bilang ng pasahero ngayong panahon ng tag-init.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, inaasahan na nila na posibleng pumalo sa 12,000 o higit pa ang kabuuang average daily arrivals para sa lahat ng international airports nationwide.
“During the first week of the implementation of the loosened travel restrictions, we saw a rise from around 6,000 arrivals to around 8,000 arrivals per day,” saad ni Morente. “These figures, which are a mix of Filipinos and foreign arrivals, rose steadily through the weeks,” dagdag niya.
Noong Pebrero, umabot ito ng 9,000 kada araw sa loob ng dalawang linggo mula nang payagan ng gobyerno ang pagpasok ng fully vaccinated foreigners mula sa visa-free countries, ayon kay Morente.
“Now after a month, we’re seeing more than 10,000 arrivals per day,” paliwanag niya.
“This figure could reach 12,000 or more during the summer season when many foreign nationals flock [to] our tourist destinations to enjoy the tropical weather,” aniya pa.
Handa rin ang Immigration workers sakaling dumagsa ang mga biyahero, ayon kay Carlos Capulong, chief of the BI Port Operations Division.
“Our men are [in] full force, and we have deployed 100% of our airport personnel to conduct document inspection for arriving passengers. The e-gates are also fully operational, which would greatly lessen the processing time,” ani Capulong.
“We are confident that we will be able to provide immigration services to a higher number of arriving passengers in the next few months,” dagdag niya. BOY LLAMAS
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE