
Pinasimulan ng mga opisyal na kandidato ng Nacionalista Party ang kanilang kampanya para sa halalan sa Mayo 12 sa midterm elections sa San Ezekiel Moreno Parish Church sa kahabaan ng C5 Extension sa Barangay Pulang Lupa Uno.
Pinangungunahan ang slate ni NP Chairwoman Cynthia Villar na tumatakbo para sa nag-iisang upuan sa Kongreso, kasama ang kanyang pamangkin na si Carlo Aguilar na kandidato sa pagka-alkalde, at si Louie Bustamante na tumatakbo bilang bise alkalde.
Kasama rin nila ang mga kandidato sa pagka-konsehal, pati na rin ang mga opisyal ng SK, barangay, at homeowners’ associations.
Ipinahayag ng mga kandidato ang kanilang bisyon para sa isang Bagong Las Piñas na may pangakong gawing progresibo at moderno ang lungsod matapos ang matagal na panahon ng pagkakalugmok sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon. (DANNY BACOLOD)

More Stories
Double pay para sa private sector workers sa Eid’l Fitr
TIWALA NG MGA PINOY KAY PBBM BUMAGSAK
3 sugatan… NEGOSYANTE NA NAMARIL DAHIL SA AWAY-TRAPIKO SA ANTIPOLO, KALABOSO